Light TV God’s Channel of Blessings, A2Z at Light Project, Binigyang Parangal sa WCEA 2022

Thu, 10/13/2022 - 11:59
Representatives of ZBNI receive awards in behalf of the company

Noong ika-23 ng Agosto 2022, ginanap ng The World Council ang kanilang ika-25 taon Global Filipino Leadership and Education International Awards and Convention. Ang World Council Excellence Awards Ministry, Inc. o WCEA ay isang Christian Awarding Giving Body na nagbibigay karangalan sa mga tao, organisasyon at kumpanyang lokal at internasyonal na hindi nabibigyang pansin ang kanilang mga nagawa at serbisyo. Ginanap ito sa The Heritage Hotel Manila na may temang “Matatag Ng Wika, Matatag Na Bansa”. Sa pangunguna ni Ambassador Rev. Dr. Bobby Misa Brimon, Tagapangulo ng World Council, pinarangalan ang Light TV God’s Channel of Blessings bilang Gawad Karangalan Filipino Dangal ng Bayan TV Station ng Taon at Gawad Karangalan Filipino Customer's Humanitarian Christian Broadcasting Choice Excellence Award.  

 

On behalf of our Management led by Congressman Bro Eddie Villanueva our Founder, Atty. Sherwin Tugna our President CEO and Chairman, our General Manager Sir Rene Gonzalez, maraming salamat sa World Council Excellence Awards Ministry Inc. sa pagkilala sa Light TV God's Channel of Blessings bilang Gawad Karangalan Filipino Dangal ng Bayan TV Station ng Taon at Gawad Karangalan Filipino Customer's Humanitarian Christian Broadcasting Choice Excellence. At, kami po ay patuloy na maglilingkod para sa Diyos at Bayan. Sa Diyos ang Papuri!” mensahe ng Marketing Unit Head ng Light TV God’s Channel of Blessings na si Ms. Jhincky Cayabo-Reyes na tumanggap mismo ng mga nasabing parangal

 

Tumanggap din ang A2Z Channel 11 ng parangal bilang Most Promising News Broadcast Advocate.  

 

On behalf of our Founder, Congressman Brother Eddie Villanueva, our President, Attorney Sherwin Tugna and our General Manager, Sir Rene Gonzalez, we would like to thank the World Council Excellence Awards Inc. for giving us The Most Promising News Broadcast Advocate for A2Z Channel 11. Rest assured that we will continue to provide news that the public deserves with our integrity. Para sa Diyos at Para sa Bayan.maikling mensahe ni Ms. Dian Tejada, ang Channel Sales Specialist ng ZOE Broadcasting Network Inc. 

 

Itinanghal naman ang Light Project bilang Gawad Karangalan Outstanding Humanitarian Business Partner.  

 

“Kami po sa Light Project ay taos pusong nagpapasalamat sa mga bumubuo ng WCEA sa parangal na kanilang iginawad. Maraming salamat din po sa mga tumatangkilik ng mga produkto ng Light Project. Dahil po sa inyong pagsuporta, marami na po tayong natulungan ng mga programa ng Light TV, sa ating Stevia Farmers sa Bulacan at higit sa lahat, sa mga Stevia

 

farm scholars na anak ng ating mga Stevia farmers. Patuloy po natin itong tangkilin dahil ito ay gawang Pinoy!” pahayag ng Finance Associate ng Zoe Broadcasting Network na ni Ms. Jemelyn Lomabas. 

 

Dumalo din sa nasabing okasyon ang ilang mga kilalang personalidad katulad ni Ms. Gina Pareño na itinanghal bilang Veteran Actress of the Year, Rodjun Cruz bilang Best TV Actor of the Year, Direk Vincent M. Tañada na direktor ng “Katips” at si John Rey Rivas na tumanggap din ng kani-kanilang mga parangal at ang Presidente ng FAMAS na si Francia Conrado bilang espesyal na bisita.  

 

Mula sa Light TV God’s Channel of Blessings, Light Project at A2Z, kami po ay taos-pusong nagpapasalamat sa inyo! 

To God be the glory!

 

Awards side by side

 

Author: Lucky Joy SalazarWriter, New Media Unit, Light TV - God's Channel of Blessings

Proofread and Edited by: Mark Joseph Espinosa, Unit Head, New Media Unit, Light TV - God's Channel of Blessings